Lunes, Hunyo 20, 2016

The moment I wish I could freeze when I am with the Woman I plan to be with


So its you


Nahdine, ikaw pala yung tinutukoy ko nang isinulat ko 'to.

Dear Miss

Batid kong sa panahong ito’y hindi mo ako kilala.
Hindi mo alam ang aking pangalan, hindi mo alam kung saan ako nakatira,
At mas lalo ng hindi mo maisip kung ano ang aking itsura.

Hindi rin naman kita kilala, wala akong ideya kung sino ka at kung nasaan ka,
Basta ang alam ko may tamang pagkakataon para sa ating dalawa.

Matagal na akong naghihintay at nananabik na ikaw ay makita
At alam kong ganoon din ang iyong nadarama.
Subalit ‘wag tayong mainip sapagkat sigurado namang tayo ay para sa isa’t-isa.

Marahil nga ay nagkita na tayo, nagkasalubong,
O di kaya’y matagal na tayong magkakilala.
Subalit di pa natin nadarama na tayo pala ang nakatadhana.

Saang sulok ka man ng mundo inilagay ng panginoon,
Hinihiling ko na sana ay nasa maayos na kalagayan ka
At ipinapangako ko sakanya na oras na pagtagpuin na ang ating mga landas
Ay mamahalin, iingatan at aalagaan kita.

Mamahalin kita, mamahalin mo ako at habambuhay tayong magkakasama.
Parating na ako sayo, malapit na malapit na..